35Pagkamatay ni Husam, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang tumalo sa mga Midianita roon sa Moab.
36Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreca.
37Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot na malapit sa ilog.
38Pagkamatay ni Saul, pinalitan siya ni Baal-hanan na anak ni Acbor.
39Pagkamatay ni Baal-hanan na anak ni Acbor, pinalitan siya ni Hadar na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab.