2Nakapag-asawa si Esau ng mga babaeng taga-Canaan. Silaʼy sina Ada na anak ni Elon na Heteo, si Oholibama na anak ni Ana at apo ni Zibeon na Heveo,
3at si Basemat na kapatid ni Nebayot na anak ni Ismael.
4Ang anak ni Esau kay Ada ay si Elifaz. Ang anak niya kay Basemat ay si Reuel.
5At ang mga anak niya kay Oholibama ay sina Jeus, Jalam at Kora. Sila ang mga anak ni Esau na isinilang sa Canaan.
6Dinala ni Esau ang kanyang mga asawaʼt anak, ang lahat ng sakop ng kanyang sambahayan, pati ang mga ari-arian at mga hayop niya na naipon niya sa Canaan. At lumipat siya sa isang lupain na malayo sa kanyang kapatid na si Jacob.