39Pagkamatay ni Baal-hanan na anak ni Acbor, pinalitan siya ni Hadar na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab.
40Ito ang mga naging pinuno sa mga lahi ni Esau na ang angkan at lupain ay ipinangalan sa kanila: Timna, Alva, Jetet,
41Oholibama, Ela, Pinon,
42Kenaz, Teman, Mibzar,
43Magdiel, at Iram. Sila ang mga pinuno ng Edom ayon sa kanilang sinasakupang lupain. Ito ang mga lahi ni Esau (na tinatawag ding Edom) na pinagmulan ng mga Edomita.