17Sinabi ng lalaki, “Wala na sila rito. Narinig kong pupunta raw sila sa Dotan.” Kaya sinundan sila roon ni Jose at nakita niya sila malapit sa Dotan.
18Ngunit malayo pa lamang si Jose ay nakita na siya ng kanyang mga kapatid. At bago pa siya makarating, binalak na nila na patayin siya.
19Sinabi nila, “Narito na ang mahilig managinip! Halikayo, patayin natin siya
20at ihulog sa isa sa mga balon dito. Sabihin na lang natin na pinatay siya ng mabangis na hayop. Tingnan nga natin kung magkakatotoo ang mga panaginip niya.”
21Nang marinig ni Ruben ang balak nila, sinikap niyang iligtas si Jose. Sinabi niya, “Huwag na lang natin siyang patayin.