1Nagpaiwan si Jacob upang manirahan sa Canaan, ang lupaing tinitirhan din dati ng kanyang ama.
2Ito ang salaysay tungkol sa pamilya ni Jacob. Nang labing-pitong taóng gulang na si Jose, nagbabantay siya ng mga hayop kasama ng kanyang mga kapatid na mga anak ni Bilha at ni Zilpa, na mga asawa ng kanyang ama. Ipinagtapat ni Jose sa kanyang ama ang masasamang ginagawa ng kanyang mga kapatid.
3Mas mahal ni Jacob si Jose kaysa sa iba niyang mga anak, dahil matanda na siya nang isilang si Jose. Kaya itinahi niya si Jose ng maganda at mahabang damit.
4Ngunit nang napansin ng mga kapatid ni Jose na mas mahal siya ng kanilang ama kaysa sa kanila, nagalit sila kay Jose at naging marahas ang kanilang pananalita sa kanya.