Genesis 37

Samantala, doon sa Ehipto, ibinenta ng mga Midianita si Jose kay Potifar na isa sa mga opisyal ng Faraon. Kapitan siya ng mga guwardiya sa palasyo.

Genesis 37:36 (UKJV) And the Midianites sold him into Egypt unto Potiphar, an officer of Pharaoh's, and captain of the guard.

34Pinunit agad ni Jacob ang kanyang damit at nagdamit ng sako. Nagluksa siya nang matagal sa pagkamatay ng kanyang anak.

35Inaliw siya ng lahat ng anak niya ngunit patuloy pa rin ang pagdadalamhati niya. Sinabi niya, “Hayaan nʼyo na lang ako! Mamamatay akong nagdadalamhati dahil sa pagkamatay ng anak ko.” At nagpatuloy ang pag-iyak niya dahil kay Jose.

36Samantala, doon sa Ehipto, ibinenta ng mga Midianita si Jose kay Potifar na isa sa mga opisyal ng Faraon. Kapitan siya ng mga guwardiya sa palasyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.