13Sinabi ni Cain sa Panginoon, “Napakabigat ng parusang ito para sa akin.
14Itinataboy ninyo ako ngayon sa lupaing ito at sa inyong harapan. Wala na akong matitirhan, at akoʼy magiging isang palaboy. At sinumang makakita sa akin, tiyak na papatayin ako.”
15Ngunit sinabi ng Panginoon kay Cain, “Hindi iyan mangyayari sa iyo! Sapagkat ang sinumang papatay sa iyo ay gagantihan ko ng pitong beses.” Kaya nilagyan ng Panginoon ng palatandaan si Cain upang hindi siya patayin ng kahit sinong makakakita sa kanya.
16Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa lugar ng Nod, sa bandang silangan ng Eden.
17Sumiping si Cain sa asawa niya. Nagbuntis ito at nanganak ng lalaki at pinangalanan nila siyang Enoc. Nagpatayo si Cain ng isang lungsod at pinangalanan niya itong Enoc kagaya ng pangalan ng kanyang anak.