Genesis 40

Hindi matatapos ang tatlong araw, palalabasin ka ng Faraon sa bilangguan ngunit ibibitin ang bangkay mo sa kahoy, at tutukain ito ng mga ibon.”

Genesis 40:19 (UKJV) Yet within three days shall Pharaoh lift up your head from off you, and shall hang you on a tree; and the birds shall eat your flesh from off you.

17Ang ibabaw ng kaing ay may laman na ibaʼt ibang uri ng tinapay para sa Faraon, ngunit tinuka ito ng mga ibon.”

18Sinabi ni Jose, “Ito ang kahulugan ng panaginip mo: Ang tatlong kaing ay nangangahulugan ng tatlong araw.

19Hindi matatapos ang tatlong araw, palalabasin ka ng Faraon sa bilangguan ngunit ibibitin ang bangkay mo sa kahoy, at tutukain ito ng mga ibon.”

20Dumating ang ikatlong araw at ito ay kaarawan ng Faraon. Kaya nagpahanda siya para sa lahat ng opisyal niya. Pinalabas niya sa bilangguan ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at ang pinuno ng mga panadero niya, at pinaharap sa kanyang mga opisyal.

21Ibinalik niya ang pinuno ng mga tagasilbi ng alak sa kanyang trabaho.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.