4Si Jose ang naatasang katiwala ng kapitan ng mga guwardiya na naglingkod sa kanila. Nang matagal na silang nagkasama sa bilangguan,
5parehong nanaginip ang tagasilbi ng alak at ang panadero ng hari ng Ehipto. Ang bawat panaginip ay may kanya-kanyang kahulugan.
6Kinaumagahan, pagpunta ni Jose sa kanila, nakita niyang nanlulupaypay sila.
7Kaya tinanong niya sila, “Bakit kayo malungkot?”
8Sumagot sila, “Nanaginip kasi kami ngunit walang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.” Sinabi ni Jose, “Ang Diyos ang nagbibigay ng kaalaman sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga panaginip. Sige, sabihin nʼyo sa akin kung ano ang mga panaginip ninyo.”