15Sinabi ni Jose sa kanila, “Ano ba itong ginawa ninyo? Hindi nʼyo ba alam na marunong akong manghula? Kaya wala kayong maitatago sa akin.”
16Sinabi ni Juda, “Ano pa ba ang puwede naming ikakatwiran pa sa inyo, ginoo? Hindi na po namin masasabi na hindi kami nagkasala. Ang Diyos ang siyang naghayag ng aming kasalanan. Ngayon, lahat po kami ay alipin na ninyo, kami at ang isa na nakitaan ng kopa.”
17Ngunit sinabi ni Jose, “Hindi ko magagawa iyan. Kung kanino lang nakita ang kopa siya lang ang magiging alipin ko. At makakauwi na kayo sa inyong ama nang matiwasay.”
18Lumapit si Juda kay Jose at sinabi, “Hinihiling ko sa inyo, panginoon ko, kung maari ay pakinggan nʼyo ako. Huwag sana kayong magalit sa akin, kayo na gaya ng Faraon.
19Tinanong nʼyo kami noon kung mayroon pa kaming ama at kapatid,