21“Sinabi rin po namin na dadalhin namin siya sa inyo upang makita nʼyo rin siya.
22Sinabi namin sa inyo na hindi maaaring iwanan ng bunsong kapatid namin ang aming ama, dahil baka ang pag-alis ng kanyang anak ang siyang ikamatay niya.
23Ngunit sinabi nʼyo po sa amin na huwag kaming magpapakita sa inyo kung hindi namin kasama ang aming bunsong kapatid.
24Ang lahat ng itoʼy sinabi namin sa aming ama noong umuwi kami.
25“Hindi nagtagal, sinabi ng aming ama na muli kaming bumalik dito at bumili ng pagkain.