21Ginawa ito ng mga anak ni Jacob. At ayon sa utos ng Faraon, binigyan ni Jose ang mga kapatid niya ng mga karwahe at pinabaunan ng pagkain sa kanilang paglalakbay.
22Binigyan din niya ang bawat isa sa kanila ng damit; ngunit ang ibinigay niya kay Benjamin ay limang damit at 300 pirasong pilak.
23Pinadalhan din niya ang kanyang ama ng sampung asnong may mga kargang pinakamagandang ani mula sa Ehipto, at sampung babaeng asno na may mga kargang trigo, tinapay at mga baon ng kanyang ama sa paglalakbay.
24Nang pinaalis na niya ang kanyang mga kapatid, sinabi niyang huwag silang mag-aaway sa daan.
25Kaya umalis sila sa Ehipto at bumalik sa kanilang ama sa Canaan.