Genesis 49

Doon siya inilibing pati ang lola kong si Sara at ang mga magulang kong sina Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea.

Genesis 49:31 (UKJV) There they buried Abraham and Sarah his wife; there they buried Isaac and Rebekah his wife; and there I buried Leah.

29Pagkatapos, binilinan ni Jacob ang mga anak niya. Sinabi niya, “Ngayon, sandali na lang at makakasama ko na sa kabilang buhay ang aking mga ninuno. Ilibing nʼyo ako sa libingan ng aking mga magulang, doon sa kuweba na nasa bukid ni Efron na Heteo.

30Ang kuwebang iyon ay nasa bukid ng Macpela, sa silangan ng Mamre na sakop ng Canaan. Binili ng lolo kong si Abraham ang bukid na iyon kay Efron na Heteo upang gawing libingan.

31Doon siya inilibing pati ang lola kong si Sara at ang mga magulang kong sina Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea.

32Ang bukid at ang kuweba nito ay binili sa mga Heteo.”

33Pagkatapos magbilin ni Jacob sa kanyang mga anak, siya ay nahiga at nalagutan ng hininga. At isinama siya sa kanyang mga ninuno na sumakabilang buhay na.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.