19Matapos isilang si Enoc, nabuhay pa si Jared ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
20Namatay siya sa edad na 962.
21Nang animnapuʼt limang taóng gulang na si Enoc, isinilang ang anak niyang lalaki na si Metusela.
22Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng tatlong daang taon na may malapit na relasyon sa Diyos at nadagdagan pa ang kanyang mga anak.
23Sa kabuuan, nabuhay si Enoc ng 365 taon.