25Nang 187 taóng gulang na si Metusela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Lamec.
26Matapos isilang si Lamec, nabuhay pa si Metusela ng 782 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
27Namatay siya sa edad na 969.
28Nang 182 taóng gulang na si Lamec, isinilang ang isa niyang anak na lalaki.
29Sinabi niya, “Ang anak kong ito ay makakatulong sa mga kahirapan natin dahil sa pagsumpa ng Panginoon sa lupa, kaya papangalanan ko siyang Noe.”