28Nang 182 taóng gulang na si Lamec, isinilang ang isa niyang anak na lalaki.
29Sinabi niya, “Ang anak kong ito ay makakatulong sa mga kahirapan natin dahil sa pagsumpa ng Panginoon sa lupa, kaya papangalanan ko siyang Noe.”
30Matapos isilang si Noe, nabuhay pa si Lamec ng 595 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.
31Namatay siya sa edad na 777.
32Nang limandaang taóng gulang na si Noe, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Shem, Ham, at Jafet.