Genesis 50

Hindi nagtagal, lumapit sa kanya ang kanyang mga kapatid at silaʼy nagpatirapa sa kanyang harapan. Pagkatapos, sinabi nila, “Handa kaming maging alipin mo.”

Genesis 50:18 (UKJV) And his brethren also went and fell down before his face; and they said, Behold, we be your servants.

16Kaya nagpadala sila ng mensahe kay Jose na nagsasabi, “Nagbilin ang ating ama bago siya mamatay, sinabi niya,

17‘Ito ang sabihin ninyo kay Jose: Hinihiling ko sa saʼyo na patawarin mo ang mga kasalanan at pagkakasala ng iyong mga kapatid, dahil masama ang ginawa nila saʼyo.’ Kaya ngayon, patawarin mo sana kaming mga lingkod ng Diyos ng ating ama.” Nang marinig ni Jose ang kanilang mensahe, umiyak siya.

18Hindi nagtagal, lumapit sa kanya ang kanyang mga kapatid at silaʼy nagpatirapa sa kanyang harapan. Pagkatapos, sinabi nila, “Handa kaming maging alipin mo.”

19Ngunit sumagot si Jose, “Huwag kayong matakot. Bakit, ako ba ang Diyos?

20Binalak nga ninyong gawan ako ng masama, ngunit binalak naman ng Diyos na magdulot ito ng mabuti upang mailigtas ang maraming buhay na siyang nangyayari ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.