11Napakasama na ng mga tao sa paningin ng Diyos, at ang kanilang kasamaan ay laganap na sa mundo.
12Nakita ng Diyos na lubhang masama ang mga tao sa mundo dahil ang ginagawa nila ay puro kasamaan.
13Kaya sinabi niya kay Noe, “Lilipulin ko ang lahat ng tao. Dahil sa kanila, lumaganap ang kasamaan sa mundo. Lilipulin ko sila kasama ng mundo.
14Kaya ikaw Noe, gumawa ka ng barko mula sa matibay na kahoy, at gawan mo ito ng mga kuwarto. Pagkatapos, pahiran mo ng alkitran ang loob at labas ng barko.
15Gawin mo ito na may sukat na 450 talampakan ang haba, 75 talampakan ang luwang, at 45 talampakan ang taas.