20At nang tumaas ang tubig at tinakpan ang mga bundok, halos pitong metro ang taas nito mula sa tuktok ng pinakamataas na bundok.
21Kaya namatay ang lahat ng may buhay sa lupa: ang mga ibon, mga hayop na maaamo at maiilap, lahat ng nilalang na gumagapang sa lupa, at lahat ng tao.
22Namatay ang lahat ng nabubuhay sa lupa.
23Nalipol ang lahat ng nilalang sa ibabaw ng lupa: ang mga tao, mga hayop, mga nilalang na gumagalaw sa lupa, at mga ibon. Si Noe lang ang at ang mga kasama niya sa loob ng barko ang hindi namatay.
24Tumagal ang baha sa daigdig sa loob ng 150 araw.