Genesis 8

Habang nagpapatuloy ang mundo, may panahon ng pagtatanim at pag-ani. May taglamig at may tag-init, may tag-ulan at may tag-araw at may araw at may gabi.”

Genesis 8:22 (UKJV) While the earth remains, seedtime and harvest, and cold and heat, and summer and winter, and day and night shall not cease.

20Gumawa si Noe ng altar para sa Panginoon. Pagkatapos, kumuha siya ng isa sa bawat uri ng hayop na malinis pati rin sa bawat uri ng mga ibon na malinis, at sinunog niya ito sa altar bilang handog sa Panginoon.

21Naamoy ng Panginoon ang mabangong samyo nito at sinabi sa kanyang sarili, “Hindi ko na muling susumpain ang lupa dahil sa ginawa ng tao, kahit alam kong makasalanan ang tao mula pa sa kanyang pagkabata. Hindi ko na talaga muling lilipulin ang lahat ng nabubuhay katulad ng aking ginawa noon.

22Habang nagpapatuloy ang mundo, may panahon ng pagtatanim at pag-ani. May taglamig at may tag-init, may tag-ulan at may tag-araw at may araw at may gabi.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.