4“Ngunit huwag ninyong kakainin ang hayop na nang mamatay ay hindi lumabas ang dugo, dahil ang dugo ay simbolo ng buhay.
5Sisingilin ko ang sinumang papatay sa inyo, kahit ang mga hayop. Sisingilin ko ang sinumang papatay sa kanyang kapwa.
6Ang sinumang pumatay sa kanyang kapwa ay papatayin din ng kanyang kapwa. Sapagkat ang tao ay ginawa ng Diyos na kawangis niya.
7Ngayon, magkaroon kayo ng mga anak upang dumami at kumalat kayo sa buong mundo.”
8Sinabi pa ng Diyos kay Noe at sa mga anak niya,