1Sinabi ni Habakuk, “Aakyat ako sa tore, sa aking bantayan at hihintayin ko kung ano ang sasabihin sa akin ng Panginoon at kung ano ang kanyang sagot sa aking hinaing.”
2Ito ang sagot ng Panginoon kay Habakuk: “Isulat mo nang malinaw sa malalapad na bato ang pahayag na ito upang madaling basahin ng magpapahayag nito.
3Sapagkat hindi pa dumarating ang takdang panahon para mangyari ito. Ngunit hindi magtatagal at tiyak na mangyayari ito. Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang, dahil tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.