Hageo 1

“Saganang ani ang inyong inaasahan, subalit ang inyong naani ay kakaunti lamang. At nang iuwi ninyo ito, ikinalat ko pa ito. Bakit, sabi ninyo? Sapagkat wasak ang aking tahanan habang lahat kayo ay abala sa sarili ninyong mga bahay,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

Haggai 1:9 (UKJV) All of you looked for much, and, lo it came to little; and when all of you brought it home, I did blow upon it. Why? says the LORD of hosts. Because of mine house that is waste, and all of you run every man unto his own house.

7Ito ang sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan: “Kaya pag-isipan ninyo ang mga nangyayari sa inyo.

8Ngayon, umakyat kayo sa bundok at kumuha ng mga kahoy, at itayo ninyong muli ang tahanan. Sa ganitong paraan, masisiyahan ako at mapaparangalan,” sabi ng Panginoon.

9“Saganang ani ang inyong inaasahan, subalit ang inyong naani ay kakaunti lamang. At nang iuwi ninyo ito, ikinalat ko pa ito. Bakit, sabi ninyo? Sapagkat wasak ang aking tahanan habang lahat kayo ay abala sa sarili ninyong mga bahay,” sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.

10“Kaya dahil sa inyo, ang langit ay hindi na magbibigay ng hamog, at ang lupa ay hindi na magbibigay ng ani.

11Nagpadala ako ng tagtuyot sa lupain at sa mga kabundukan, kaya naapektuhan ang mga butil, alak, langis, at ang iba pang mga ani, maging ang mga tao, at ang kanilang mga hayop at lahat ng kanilang pinaghirapan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.