10At sinabi pa niya, “Panginoon, nang pasimula paʼy nilikha mo ang sanlibutan at ikaw rin ang lumikha ng kalangitan.
11Ang lahat ng ito ay may katapusan, ngunit ikaʼy mananatili magpakailanman. Sapagkat tulad ng damit na kumukupas, ang mga ito ay lilipas.
12Ang mga itoʼy parang balabal na iyong titiklupin, at tulad ng damit ang mga itoʼy iyong papalitan. Ngunit ikaʼy hindi magbabago, at mananatiling buháy magpakailanman.”
13Kailanmaʼy hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel: “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.”
14Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Diyos, at sinusugo niya upang tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan.