18Ang paglapit nʼyo sa Diyos ay hindi katulad ng paglapit ng mga Israelita noon. Lumapit sila sa isang bundok na nakikita nila, ang Bundok ng Sinai na may nagliliyab na apoy, may kadiliman at malakas na hangin.
19Nakarinig din sila ng tunog ng trumpeta at boses ng nagsasalita. At nang marinig nila ang boses na iyon, nagmakaawa silang huwag na itong magsalita pa sa kanila
20dahil hindi nila makayanan ang utos na ito: “Ang sinumang tumapak sa bundok, kahit hayop, ay babatuhin hanggang sa mamatay.”
21Tunay na kakila-kilabot ang tanawing iyon, kaya maging si Moises ay nagsabi, “Nanginginig ako sa takot!”
22Hindi ganito ang paglapit nʼyo sa Diyos, dahil ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion, ang lungsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem na nasa langit na may libu-libong anghel na nagtitipon nang may kagalakan.