Mga Hebreo 3

Sapagkat itinuring ng Diyos si Hesus na higit kaysa kay Moises, dahil kung ihahalintulad sa bahay, higit ang karangalan ng nagtayo kaysa sa bahay na itinayo.

Hebrews 3:3 (UKJV) For this man was counted worthy of more glory than Moses, inasmuch as he who has built the house has more honour than the house.

1Kaya nga mga kapatid ko sa pananampalataya, at mga kapwa ko tinawag ng Diyos na makakasama sa langit, ituon ninyo ang inyong isip kay Hesus. Siya ang apostol at punong pari ng ating pananampalataya.

2Tapat siya sa Diyos na nagsugo sa kanya, katulad ni Moises na naging tapat sa pamamahala ng pamilya ng Diyos.

3Sapagkat itinuring ng Diyos si Hesus na higit kaysa kay Moises, dahil kung ihahalintulad sa bahay, higit ang karangalan ng nagtayo kaysa sa bahay na itinayo.

4Alam natin na may gumawa ng bawat bahay. Ngunit ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay.

5Tapat si Moises sa pamamahala niya sa pamilya ng Diyos bilang isang lingkod. At ang mga bagay na ginawa niya ay larawan ng mga bagay na mangyayari sa hinaharap.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.