12Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.
13Walang makapagtatago sa Diyos. Nakikita niya at lantad sa paningin niya ang lahat, at sa kanya tayo mananagot.
14Kaya panghawakan nating mabuti ang pinaniniwalaan natin dahil mayroon tayong dakilang punong pari na pumasok sa kalangitan, na walang iba kundi si Hesus na Anak ng Diyos.
15Nadarama rin ng ating punong pari ang lahat ng kahinaan natin, dahil naranasan din niya ang lahat ng pagsubok na dumarating sa atin, pero hindi siya nagkasala.
16Kaya huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng maawaing Diyos upang matanggap natin ang awa at biyayang makakatulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.