Mga Hebreo 4

Sapagkat nakarinig din tayo ng Magandang Balita katulad nila, pero naging walang saysay ang narinig nila dahil hindi sila sumampalataya.

Hebrews 4:2 (UKJV) For unto us was the gospel preached, as well as unto them: but the word preached did not profit them, not being mixed with faith in them that heard it.

1Ngunit kahit ganoon ang nangyari sa kanila, nanatili pa rin ang pangako ng Diyos na mararanasan natin ang kapahingahang mula sa kanya. Kaya mag-ingat tayo at baka mayroon sa atin na hindi magkakamit ng pangakong ito.

2Sapagkat nakarinig din tayo ng Magandang Balita katulad nila, pero naging walang saysay ang narinig nila dahil hindi sila sumampalataya.

3Tayong mga sumasampalataya ang magkakamit ng kapahingahang mula sa Diyos. Ngunit hindi ito makakamit nang hindi sumasampalataya, dahil sinabi ng Diyos, “Sa galit koʼy sumumpa ako na hinding-hindi nila mararanasan ang kapahingahang inilaan ko sa kanila.” Hindi ibig sabihin na wala pa ang kapahingahan. Ang totooʼy nariyan na ito mula pa nang likhain ang mundo.

4Sapagkat sinasabi ng Kasulatan tungkol sa ikapitong araw: “Sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos sa kanyang paglikha.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.