4Hindi maaaring makamtan ninuman sa sarili niyang kagustuhan ang karangalan ng pagiging punong pari, sapagkat ang Diyos mismo ang humihirang sa magiging punong pari, tulad ng pagkahirang kay Aaron.
5Ganoon din naman, hindi si Kristo ang nagparangal sa sarili niya na maging punong pari kundi ang Diyos. Sapagkat sinabi sa kanya ng Diyos, “Ikaw ang aking Anak, at ngayon, ako na ang iyong Ama.”
6At sinabi pa ng Diyos sa ibang bahagi ng Kasulatan: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedec.”
7Noong nabubuhay pa si Hesus sa mundong ito, umiiyak siyang nanalangin at nagmakaawa sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan, at dininig siya dahil mapagpakumbaba siyang sumusunod sa kalooban ng Diyos.
8At kahit Anak siya mismo ng Diyos, natutunan niya ang pagiging masunurin dahil sa mga hirap na dinanas niya.