Mga Hebreo 7

Ang mga itinalagang naging punong pari ayon sa Kautusan ay may mga kahinaan. Ngunit ayon sa sinumpaan ng Diyos matapos maibigay ang Kautusan, itinalaga niya ang kanyang Anak na maging punong pari magpakailanman, dahil natupad nito ang layunin ng Diyos.

Hebrews 7:28 (UKJV) For the law makes men high priests which have infirmity; but the word of the oath, which was since the law, makes the Son, who is consecrated for evermore.

26Si Hesus ang punong pari na kailangan natin dahil banal siya at walang kapintasan, walang kasalanan, hiwalay sa mga makasalanan, at itinaas nang higit pa sa kalangitan.

27Hindi siya katulad ng ibang punong pari na kailangang maghandog araw-araw para sa kasalanan niya, at pagkatapos, para naman sa mga kasalanan ng mga tao. Si Hesus ay minsan lang naghandog para sa lahat nang ialay niya ang kanyang sarili.

28Ang mga itinalagang naging punong pari ayon sa Kautusan ay may mga kahinaan. Ngunit ayon sa sinumpaan ng Diyos matapos maibigay ang Kautusan, itinalaga niya ang kanyang Anak na maging punong pari magpakailanman, dahil natupad nito ang layunin ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.