17dahil wala itong bisa habang nabubuhay pa siya. Nagkakabisa lang ang isang testamento kapag namatay na ang gumawa nito.
18Kaya maging ang unang kasunduan ay kinailangang pagtibayin sa pamamagitan ng dugo.
19Pagkatapos maipahayag ni Moises sa mga tao ang bawat utos na sinasabi ng Kautusan, kumuha siya ng dugo ng mga guyaʼt kambing, at hinaluan ng tubig. Isinawsaw niya rito ang balahibo ng tupa na kinulayan ng pula na nakatali sa sanga ng hisopo. Pagkatapos, winisikan niya ang Aklat ng Kautusan at ang mga tao.
20At sinabi niya: “Ito ang dugong nagpapatibay sa kasunduang ibinigay at ipinatutupad sa inyo ng Diyos.”
21Winisikan din niya ng dugo ang Toldang Sambahan at ang lahat ng bagay doon na ginagamit sa pagsamba.