Santiago 2

Ganoon din si Rahab, ang babaeng bayaran. Itinuring siyang matuwid dahil itinago niya ang mga espiya ng mga Israelita at itinuro ang ibang daan upang makatakas sila.

James 2:25 (UKJV) Likewise also was not Rahab the harlot justified by works, when she had received the messengers, and had sent them out another way?

23Natupad ang sinasabi ng Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Diyos, at dahil dito, itinuring siyang matuwid. Tinawag pa nga siyang kaibigan ng Diyos.”

24Dito ninyo makikita na itinuturing na matuwid ng Diyos ang tao dahil sa mabuti nitong gawa at hindi dahil sa pananampalataya lamang.

25Ganoon din si Rahab, ang babaeng bayaran. Itinuring siyang matuwid dahil itinago niya ang mga espiya ng mga Israelita at itinuro ang ibang daan upang makatakas sila.

26Kung paanong patay ang katawang walang espiritu, patay din ang pananampalataya kung walang kasamang mabuting gawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.