Santiago 2

Kung aasikasuhin nʼyo nang mabuti ang nakasuot ng mamahaling damit at sasabihin sa kanya, “Umupo ho kayo rito,” samantalang sasabihin ninyo sa mahirap, “Tumayo ka roon” o “Umupo ka na lang sa sahig,”

James 2:3 (UKJV) And all of you have respect to him that wears the cheerful clothing, and say unto him, Sit you here in a good place; and say to the poor, Stand you there, or sit here under my footstool:

1Mga kapatid, bilang mga mananampalataya ng dakila nating Panginoong Hesu-Kristo, wala dapat kayong pinapaboran.

2Halimbawa, may dumating sa inyong pagtitipon na isang taong may gintong singsing at nakasuot ng mamahaling damit, at dumating din ang isang mahirap na punit-punit ang damit.

3Kung aasikasuhin nʼyo nang mabuti ang nakasuot ng mamahaling damit at sasabihin sa kanya, “Umupo ho kayo rito,” samantalang sasabihin ninyo sa mahirap, “Tumayo ka roon” o “Umupo ka na lang sa sahig,”

4hindi baʼt may pinapaboran kayo at humahatol ayon sa masama ninyong pag-iisip?

5Makinig kayo, mga minamahal kong kapatid: Hindi baʼt pinili ng Diyos ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya, at maging tagapagmana ng kahariang ipinangako niya sa mga nagmamahal sa kanya?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.