Santiago 5

Mga kapatid, maging matiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pagmasdan ninyo ang mga magsasaka, matiyaga nilang hinihintay ang unang pag-ulan. At pagkatapos nilang magtanim, matiyaga rin silang naghihintay sa susunod na ulan at anihan.

James 5:7 (UKJV) Be patient therefore, brethren, unto the coming of the Lord. Behold, the farmer waits for the precious fruit of the earth, and has long patience for it, until he receive the early and latter rain.

5Namuhay kayo nang marangya at maluho sa mundong ito. Para nʼyo na ring pinataba ang mga sarili nʼyo para sa araw ng pagkatay.

6Hinatulan ninyoʼt ipinapatay ang mga taong walang kasalanan kahit hindi sila lumalaban sa inyo.

7Mga kapatid, maging matiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Pagmasdan ninyo ang mga magsasaka, matiyaga nilang hinihintay ang unang pag-ulan. At pagkatapos nilang magtanim, matiyaga rin silang naghihintay sa susunod na ulan at anihan.

8Dapat din kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob dahil nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

9Huwag kayong magsisihan mga kapatid, upang hindi kayo hatulan ng Diyos. Malapit nang dumating ang Hukom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.