10Dumarating ang magnanakaw upang nakawin at patayin ang mga tupa; kamatayan at pagkawasak ang dala niya sa kanila. Ngunit akoʼy naparito upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap.”
11“Ako ang mabuting pastol, at ang mabuting pastol ay handang mag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga tupa.
12Hindi ako katulad ng bayarang pastol, sapagkat ang ganitong tagapagbantay ay tumatakas at iniiwan niya ang mga tupa kapag nakakita ng lobo na paparating. Kaya sinusunggaban ng lobo ang mga tupa at binubulabog.
13Ang taong iyoʼy nagtatrabaho lamang para sa pera at wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa mga tupa.”
14“Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila.