14“Ako ang mabuting pastol. Kung paano ako nakikilala ng aking Ama at kung paano ko siya nakikilala, ganyan din ang pagkakakilala ko sa aking mga tupa at ang pagkakakilala nila sa akin. At iniaalay ko ang aking buhay para sa kanila.
16May iba pa akong mga tupang hindi kasama sa kawan na ito. Kailangang pangunahan ko rin sila, at papakinggan nila ang aking tinig, at magkakaroon ng isang kawan na may isang pastol.
17Mahal ako ng Ama, dahil iniaalay ko ang aking buhay, at pagkatapos ay muli akong mabubuhay.
18Walang makakakuha ng aking buhay, kundi kusa ko itong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito, at may kapangyarihan din akong bawiin ito. Ito ang iniutos sa akin ng aking Ama.”