37Kung hindi ko ginagawa ang mga ipinapagawa ng Ama, huwag kayong maniwala sa akin.
38Ngunit kung ginagawa ko ang mga ito, paniwalaan ninyo ang aking mga gawa kung ayaw nʼyong maniwala sa akin! Sa gayoʼy maunawaan nʼyo at maniwala kayong ang Ama ay nasa akin at ako ay nasa aking Ama.”
39Tinangka na naman nilang dakpin si Hesus, ngunit nakatakas siya.
40Bumalik si Hesus sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan, sa lugar na pinagbautismuhan ni Juan noong nagsisimula siya sa kanyang gawain. Nanatili siya roon
41at maraming tao ang pumunta sa kanya. Sinabi nila, “Wala ngang ginawang himala si Juan, pero totoong lahat ang sinabi niya tungkol sa taong ito.”