Juan 11

Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay.

John 11:25 (UKJV) Jesus said unto her, I am the resurrection, and the life: he that believes in me, though he were dead, yet shall he live:

23Sinabi ni Hesus sa kanya, “Muling mabubuhay ang kapatid mo.”

24Sumagot si Marta, “Alam ko pong mabubuhay siyang muli sa huling araw, kapag bubuhayin na ang mga namatay.”

25Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ako ang bumubuhay sa mga namatay, at ako rin ang nagbibigay ng buhay. Ang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay mabubuhay.

26Ang sinumang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay kailanman. Naniniwala ka ba sa sinabi ko?”

27Sumagot si Marta, “Opo, Panginoon, sumasampalataya ako na kayo ang Mesias, ang Anak ng Diyos, na darating dito sa mundo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.