Juan 12

Sapagkat mas ginusto pa nilang purihin sila ng tao kaysa ng Diyos.

John 12:43 (UKJV) For they loved the praise of men more than the praise of God.

41Sinabi ito ni Isaias dahil nakita niya ang kaluwalhatian ni Hesus, at nagpahayag siya tungkol kay Hesus.

42Ganoon pa man, maraming pinuno ng mga Hudyo ang sumampalataya kay Hesus. Ngunit inilihim nila ang kanilang pananampalataya dahil sa takot na itiwalag sila ng mga Pariseo sa sinagoga.

43Sapagkat mas ginusto pa nilang purihin sila ng tao kaysa ng Diyos.

44Sumigaw si Hesus, “Ang sumasampalataya sa akin ay hindi lamang sa akin sumasampalataya, kundi sa nagsugo sa akin.

45At ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa nagsugo sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.