Juan 13

“Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko, sapagkat kilala ko ang mga pinili ko. Ngunit kailangang matupad ang sinasabi sa Kasulatan, ‘Ipinagkanulo ako ng nakisalo sa akin sa pagkain.’

John 13:18 (UKJV) I speak not of you all: I know whom I have chosen: but that the scripture may be fulfilled, He that eats bread with me has lifted up his heel against me.

16Sinasabi ko sa inyo ang totoo, walang aliping higit sa kanyang amo; at wala ring isinugo na higit sa nagsugo sa kanya.

17Ngayong alam nʼyo na ang mga bagay na ito, pagpapalain kayo ng Diyos kung gagawin nʼyo ang mga ito.

18“Hindi kayong lahat ang tinutukoy ko, sapagkat kilala ko ang mga pinili ko. Ngunit kailangang matupad ang sinasabi sa Kasulatan, ‘Ipinagkanulo ako ng nakisalo sa akin sa pagkain.’

19“Sinasabi ko ito sa inyo bago pa man mangyari, upang kapag nangyari na ay maniwala kayo na Ako ang sinasabi kong Ako.

20Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang tumatanggap sa mga taong isinugo ko ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.