Juan 13

Sinabi ni Pedro sa kanya, “Hindi po ninyo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Hesus, “Hanggaʼt hindi ko hinuhugasan ang paa mo, wala kang kaugnayan sa akin.”

John 13:8 (UKJV) Peter says unto him, You shall never wash my feet. Jesus answered him, If I wash you not, you have no part with me.

6Paglapit niya kay Simon Pedro, sinabi nito, “Panginoon, huhugasan nʼyo po ba ang mga paa ko?”

7Sumagot si Hesus, “Hindi mo naiintindihan ang ginagawa ko ngayon, ngunit maiintindihan mo rin sa bandang huli.”

8Sinabi ni Pedro sa kanya, “Hindi po ninyo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Hesus, “Hanggaʼt hindi ko hinuhugasan ang paa mo, wala kang kaugnayan sa akin.”

9Kaya sinabi ni Simon Pedro, “Kung ganoon Panginoon, hindi lang po ang mga paa ko ang hugasan ninyo kundi pati na rin ang mga kamay at ulo ko!”

10Ngunit sinabi ni Hesus sa kanya, “Ang taong nakapaligo na ay kailangan lamang maghugas ng paa, sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. Malinis na kayo, ngunit hindi kayong lahat.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.