Juan 14

“Narinig nʼyo ang sinabi ko na aalis ako at akoʼy babalik din sa inyo. Kung mahal nʼyo ako, ikasisiya nʼyo ang pagpunta ko sa Ama, dahil mas dakila ang Ama kaysa sa akin.

John 14:28 (UKJV) All of you have heard how I said unto you, I go away, and come again unto you. If all of you loved me, all of you would rejoice, because I said, I go unto the Father: for my Father is greater than I.

26Ngunit ang Patnubay na walang iba kundi ang Banal na Espiritu, ang ipapadala ng Ama bilang kapalit ko. Siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala sa inyo ng lahat ng mga sinabi ko sa inyo.

27“Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.

28“Narinig nʼyo ang sinabi ko na aalis ako at akoʼy babalik din sa inyo. Kung mahal nʼyo ako, ikasisiya nʼyo ang pagpunta ko sa Ama, dahil mas dakila ang Ama kaysa sa akin.

29Sinasabi ko ito ngayon sa inyo bago pa man mangyari upang sumampalataya kayo kapag nangyari na ito.

30Hindi na ako magsasalita nang matagal dahil darating na ang naghahari sa mundong ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.