1Sinabi pa ni Hesus, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Diyos at magtiwala rin kayo sa akin.
2Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo.
3Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo.
4At alam nʼyo na ang daan papunta sa pupuntahan ko.”
5Sinabi ni Tomas sa kanya, “Panginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano po namin malalaman ang daan?”