Juan 16

Ngunit ngayoʼy babalik na ako sa nagsugo sa akin, at wala ni isa man sa inyo ang nagtatanong kung saan ako pupunta.

John 16:5 (UKJV) But now I go my way to him that sent me; and none of you asks me, Where go you?

3Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila ako kilala ni ang Ama

4Ngunit sinasabi ko sa inyo ang mga ito upang pagdating ng pag-uusig, maaalala nʼyong sinabi ko na ito sa inyo. Hindi ko sinabi sa inyo ang mga bagay na ito noong una, dahil kasama nʼyo pa ako.

5Ngunit ngayoʼy babalik na ako sa nagsugo sa akin, at wala ni isa man sa inyo ang nagtatanong kung saan ako pupunta.

6At ngayong sinabi ko na sa inyo, nababagabag kayo.

7Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.