14Itinuro ko na sa kanila ang salita mo. Napopoot sa kanila ang mga taong makamundo, dahil hindi na sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo.
15Hindi ko idinadalangin na kunin mo na sila sa mundo, kundi ingatan mo sila laban sa masama.
16Hindi sila makamundo, tulad ko na hindi makamundo.
17Ibukod mo sila upang maging iyo sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ay katotohanan.
18Isinugo mo ako rito sa mundo, kaya isinusugo ko rin sila sa mundo.