24Habang nakagapos pa si Hesus, ipinadala siya ni Anas kay Caifas na punong pari.
25Samantala, nakatayo pa rin si Simon Pedro malapit sa siga at nagpapainit. Tinanong siya ng mga naroon, “Hindi baʼt isa ka sa mga alagad niya?” “Hindi!” tanggi ni Pedro.
26Tinanong din si Pedro ng isa sa mga alipin ng punong pari, na kamag-anak ng pinutulan niya ng tainga, “Hindi baʼt nakita kitang kasama niya roon sa may taniman ng mga olibo?”
27Muli itong itinanggi ni Pedro, at noon din ay tumilaok ang manok.
28Mula kay Caifas, dinala si Hesus sa palasyo ng gobernador. Umaga na noon. Hindi pumasok ang mga pinuno ng mga Hudyo sa palasyo dahil ayon sa kautusan nila, ang pumasok sa bahay ng isang hindi Hudyo ay hindi magiging karapat-dapat kumain ng hapunan sa Pista ng Paglampas ng Anghel.