29Kaya sa labas sila kinausap ni Pilato at tinanong, “Ano ang paratang nʼyo laban sa taong ito?”
30Sumagot sila, “Kung hindi po siya kriminal ay hindi namin siya dadalhin sa inyo.”
31Sinabi ni Pilato sa kanila, “Dalhin nʼyo siya at kayo na ang humatol ayon sa inyong batas.” Sumagot ang mga pinuno ng mga Hudyo, “Ngunit wala kaming kapangyarihang humatol ng kamatayan.”
32(Nangyari ang mga ito upang matupad ang sinabi ni Hesus tungkol sa uri ng kamatayang dadanasin niya.)
33Muling pumasok si Pilato sa palasyo at ipinatawag si Hesus, at tinanong, “Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo?”