Juan 18

Sumagot si Pilato, “Hudyo ba ako? Dinala ka rito sa akin ng iyong mga kababayan at ng mga namamahalang pari. Ano ba ang ginawa mo?”

John 18:35 (UKJV) Pilate answered, Am I a Jew? Yours own nation and the chief priests have delivered you unto me: what have you done?

33Muling pumasok si Pilato sa palasyo at ipinatawag si Hesus, at tinanong, “Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo?”

34Sumagot si Hesus, “Sa iyo ba nanggaling ang tanong na iyan o may nagsabi lang sa iyo tungkol sa akin?”

35Sumagot si Pilato, “Hudyo ba ako? Dinala ka rito sa akin ng iyong mga kababayan at ng mga namamahalang pari. Ano ba ang ginawa mo?”

36Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ang kaharian ko ay wala rito sa mundo. Kung nandito ang kaharian ko, makikipaglaban sana ang mga alagad ko upang hindi ako madakip ng mga Hudyo. Ngunit ang kaharian ko ay wala rito.”

37Sinabi ni Pilato, “Kung ganoon, isa kang hari?” Sumagot si Hesus, “Tama ang sinabi mo na isa akong hari. At ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa mundo ay upang ipahayag ang katotohanan. At ang lahat ng gustong makaalam ng katotohanan ay nakikinig sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.