5Sumagot sila, “Si Hesus na taga-Nazaret.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Ako iyon.” (Naroon din ang traydor na si Judas na nakatayong kasama ng mga taong naghahanap kay Hesus.)
6Nang sabihin ni Hesus, “Ako iyon,” napaurong sila at natumba.
7Kaya muling nagtanong si Hesus, “Sino ang hinahanap nʼyo?” Sumagot silang muli, “Si Hesus na taga-Nazaret.”
8Sinabi sa kanila ni Hesus, “Hindi baʼt sinabi ko na sa inyo na Ako iyon? Kung ako nga ang hinahanap nʼyo, hayaan nʼyong makaalis ang mga kasama ko.”
9Sinabi niya ito upang matupad ang sinabi niya sa Ama, “Wala ni isa mang napahamak sa mga ibinigay mo sa akin.”