Juan 2

Pagkatapos ng kasalan, pumunta si Hesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Nanatili sila roon nang ilang araw.

John 2:12 (UKJV) After this he went down to Capernaum, he, and his mother, and his brethren, and his disciples: and they continued there not many days.

10at sinabi, “Kadalasan, ang pinakamasarap na alak muna ang inihahain, at kapag marami nang nainom ang mga panauhin, saka naman inilalabas ang mababang uri. Ngunit ikaw, ngayon mo lang inilabas ang masarap na alak.”

11Ang nangyaring ito sa Cana ng Galilea ang unang himala na ginawa ni Hesus kung saan ipinakita niya ang kanyang kaluwalhatian, at sumampalataya sa kanya ang mga alagad niya.

12Pagkatapos ng kasalan, pumunta si Hesus sa Capernaum, kasama ang kanyang ina, mga kapatid, at mga alagad. Nanatili sila roon nang ilang araw.

13Malapit na noon ang Pista ng Paglampas ng Anghel, kaya pumunta si Hesus sa Jerusalem.

14Pumasok siya sa patyo ng Templo at nadatnan niya roon ang mga nagtitinda ng mga baka, tupa, at mga kalapati, at ang mga tagapalit ng pera na nakapuwesto sa mga lamesa nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.